-- Advertisements --

Tuloy pa rin ang pagbiyahe ng flag carrier na Philippine Airlines (PAL) sa US matapos na maresolba na mga otoridad doon ang epekto ng 5G transmitters sa mga eroplano.

Ayon sa PAL , nakatanggap na sila ng katiyakan mula sa US Department of Transportation na ang mga eroplanong lalapag sa kanilang paliparan ay ligtas at hindi na makakaranas ng interferrence mula sa 5G radio waves.

Sinabi naman ni PAL senior vice president for operations Stanley Ng na prioridad nila ang kaligtasan ng kanilang pasahero kaya handa silang kanselahan sakali ang anumang biyahe nila sa US.

Mahigpit din aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng US para matiyak na ligtas na ang mga eroplano.