-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng takot sa mga sibilyan ang pagsalakay ng mga armadong grupo sa isang palaisdaan sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Christopher Panapan na pinasok ng grupo ni Kumander Jun Andao ang palaisdaan ni Mangudadatu Mayor Freddie Mangudadatu sa Lake Buluan Barangay Paitan Mangudadatu Maguindanao.

Sinabi ni Brgy Paitan Barangay Chairman Osmali Piang ng hindi makita ng mga suspek ang kanilang hinahanap ay walang habas itong nagpaputok sa kanilang mga matataas na uri ng armas.

Agad namang tumakas ang mga suspek nang matunugan ang mga nagrespondeng mga sundalo at mga pulis.

Wala namang nasugatan sa straffing incident ngunit nagdulot ito ng takot sa mga nagbabantay at katiwala ni Mayor Mangudadatu sa kanyang palaisdaan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Mangudadatu PNP sa naturang pangyayari.