-- Advertisements --

COTABATO CITY – Pinabulaanan ng mismong ministro ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education – BARMM na si Mohagher Iqbal ang mga kumakalat na balita na mayroong nagaganap na palakasan, pagbibigay pabor at suhol ng ibang mga appointees ng nasabing tanggapan.

Ayon kay Iqbal, dumadaan sa masusing ebalwasyon at pagkilatis ang mga nasabing appointees, bagay na kung bakit ay sila ay humantong sa panunumpa at pinapirma kapalit ng kanilang mga tungkulin.

Anya, kung may mga ganito din mang reklamo ay di rin nakakaabot sa kanilang tanggapan, dahil sa siguro ay takot o pagkabahala sa kanilang seguridad.

Dagdag pa nito, na ang mga nahire sa mga items na ito ay may masusing ebalwasyon at dumaan sa mga pagsusulit bukod pa sa mga safety nets na kanilang ipinatutupad para sa mga gustong magapply.

Ayon kay Iqbal, may mga bakante pang posisyon na kanilang pupunan kayat walang dapat ipagaalala ang mga di pa nahihire.

Nagpag-alaman, na ito ay second round pa lamang ng mass signing at appointments at marami pang magaganap na ganitong uri at continous ang nasabing hiring for teaching and non teaching personnels.

nananawagan din si Minister Iqbal na kung mayroon man silang maenkwentro na ganitong reklamo ay wag nilang ipagsawalang bahala bagkus ireklamo agad nila ito sa nasabing ahensya.