Binigyang panawagan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang Land Reform Act sa pamahalaan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ronnie Manalo, Secretary General ng naturang samahan, ito ay dahil kawalan ng lupa ang kanilang pangunahing suliranin sa pagsasaka.
Aniya, kung nais ng bansa na makapagkaroon ng food security, kinakailangang isulong sa bansa ang land reform act, at bigyang suporta ang kanilang hanay.
Nauna na rito, binigyang diin ni Manalo na kapag may nangyayaring kakulangan sa produksyon sa bansa, ay huwag gawing sagot ang importasyon. Dahil pagtitiyak nito, kayang-kaya naman ng mga lokal na magsasaka ang makapag-produce ng mga pangunahing produkto.
Nanindigan din ito na kinakailangang ibasura na ang rice tarrification law, ibalik ang pagbibigay ng pondo sa National Food Authority, at ang pagbibigay ng P25, 000 na subsidiya ng mga magsasaka nang sa gayon ay tuloy-tuloy ang lokal na produksyon.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Manalo na dapat ay alisin at buwagin na ang mga kartel, smuggler at importer sa bansa dahil sila ang nagmamanipula ng mga presyo ng bilihin sa merkado.