-- Advertisements --

DAVAO CITY – Draw ang naging resulta ng laro sa pagitan ng Davao Eagles at central Visayas fighters sa elimination round ng football male secondary division.

Inihayag ni coach Marvin Dava, marami ang mga attempts ng Davao Eagles, ngunit naka-balanse sa ball position ang Central Visayas.

Sa kabila nito, naging maganda pa rin ang performance Davao Eagles, ngunit aminado si Coach Dava na kailangan pang pagbutihin ang kanilang laro, lalo ng mga baguhan.

Kung maging draw pa rin umano ang resulta sa quarter finals, sinabi ni Dava na gagawin na ang penalty shoot out.

Sunod na makakaharap naman ng Davao Eagles football secondary male division ang Central Luzon sa araw ng Lunes.