-- Advertisements --
Gold 3000m Steeple Chase Secondary Region 3 Palaro
Gold finish in 3000m Steeple Chase Secondary went to Region 3 (Palaro 2019 file photo)

DAVAO CITY – Inangkin ng atleta mula Central Luzon ang gintong medalya sa 3000-m steeplechase ngayong ikatlong araw ng Palarong Pambansa 2019 sa lungsod ng Davao.

Naghari sa nasabing event ang Grade 10 student na si Jerry Vasquez na nagmula sa Tarlac.

Ayon kay Vasquez, hindi niya raw maipaliwanag ang kanyang saya lalo pa’t noong nakaaraang Palaro ay nakakuha lamang ito ng silver medal sa kaparehong event.

Maliban sa Diyos, ispirasyon ng atleta ang kanyang mga magulang kung saan ang kanyang ama ay isang magsasaka at housewife naman ang kanyang ina na kapwa tubong Bicol.

Tumutulong din aniya ito sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsali sa mga kompetisyon at ang kanyang nakukuhang premyo ay ibinibigay niya sa kanyang pamilya.