DAVAO CITY – Pinaalalahanan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang mga atletang kalahok ng Palarong Pambansa 2019 na pahalagahan ang disiplina at kabutihan habang sumasabak sa kani-kanilang mga laro.
Sa kanyang video message sa opening ceremony ng Palaro 2019 sa University of the Philippines Sports Complex sa lungsod ng Davao, sinabi ni Duterte-Carpio na huwag umanong pilitin ng mga atleta na maglaro kung masama ang kanilang pakiramdam.
Wika pa ng Presidential daughter sa mga atleta, lalo na sa mga babae, huwag daw hayaang mabuntis sila nang maaga.
“Huwag mag-asawa nang maaga. Huwag mabuntis nang maaga. Don’t make love a bad medicine,†wika ni Duterte-Carpio, na umani ng hiyawan sa mga dumalo sa event.
Nabatid na hindi nakadalo si Mayor Sara sa event dahil sa lakad nito sa Camiguin.
Ito ang ikalawang pagkakataon na magsisilbing host ang Davao City ng Palaro, na huling nangyari noong 1950.