Siniguro ng Department of Education (DepEd) na kanilang mapapangalagaan ang mga kalahok sa Palarong Pambansa 2019 mula sa anumang uri ng sexual abuse.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni DepEd Undesecretary at Palaro 2019 secretary-general Revsee Escobedo, mayroong Child Protection Committee na siyang titiyak na hindi mababastos ang mga student-athletes.
Ayon pa kay Escobedo, ang lahat ng mga regional delegations ay dapat na tumalima sa DepEd Order No. 40 s. of 2012, o ang Child Protection Policy (CPP) ng kagawaran.
Una nang sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na gagawin nila ang lahat upang mapanagot ang sinumang mapapatunayang lalabag sa karapatan ng mga kabataan.
“Behaviors that endanger the physical and mental well-being of our learners are not tolerated in the Department,†ani Briones.
Matatandaang noong Palaro 2018 sa Ilocos Sur nang arestuhin ang isang guro mula Cebu City na umano’y nangyakap at nanghalik sa isang binatilyong atleta.
Samantala, gaya ng nakagawian, makatatanggap ng cash incentives ang mga atletang aani ng parangal sa naturang multi-sports event.
Kabilang sa mga maaaring mabigyan ng incentives ang mga makakasungkit ng medalya sa Palaro, maging ang mga makakabasag ng records sa regular sports events, kasama ang top three winners sa special games.
Maging ang technical officials at iba pang personnel na nagsilbi sa Palaro, maging ang mga nagwagi sa Clean, Green, and Eco-Friendly.
Kung maaalala, ilan sa mga sports icons ng Pilipinas na produkto ng Palaro ay sina Lydia de Vega ng track and field; Eric Buhain ng swimming; Samboy Lim at Danny Ildefonso ng basketball; at Alyssa Valdez ng volleyball.