DAVAO CITY – Aprubado na sa Department of Education (DepEd) National Office ang billeting quarters para sa mga atleta ng Palarong Pambansa 2019 na isasagawa sa Lungsod ng Davao.
Mismong si Education Secretary Leonor Briones ang nanguna sa inspeksyon kabilang na ang nagpapatuloy na construction sa UP Sports Complex sa Bago Oshero.
Napag-alaman na kabuuang 15,000 atleta ang gagamit sa billeting area at sa nasabing pasilidad.
Kasama ni Briones sa nag-inspeksyon ang kinatawan ng Philippine Sports Commission.
Sa ngayon, magagamit na ang mga pasilidad para sa ball games at chess.
Maaari na ring matakbuhan ng mga atleta ang track and field dahil rubberized na ito.
Gayunman, tinatapos pa ang construction sa swimming pool dahil wala pa itong tiles at sinisimulan pa lamang ang pagtayo ng mga bleachers.
Ipinangako naman ng mga contractor na matatapos na ito bago pa man ang Palarong Pambansa na isasagawa dalawang linggo mula ngayon.
“We are confident that all of this facilities will be ready as provided. Davao was challenge to deliver this structures in one year’s time, bigger than one year. This one is very much perfect than the one in UP Deliman,†ani Briones.