DAVAO CITY – Idineklara ngayon ng Davao City Police Office (DCPO) na mapayapa sa pangkalahatan ang halos isang linggong Palarong Pambansa 2019.
Inihayag ni DCPO Director Police Col. Alexander Tagum na walang mga major incidents ang naitala simula nang binuksan ang Palaro noong araw ng linggo.
Ngunit sinabi ni Col. Tagum na isang insidente lamang ng pagnanakaw ang naitala ng mga otoridad sa isang billeting quarter ng mga delegado na nagmula sa Region 10 sa Calinan Disitrict sa Davao, kung saan pormal na ring sinampahan ng kaso ang nahuling magnanaw ng mga cellphone ng mga boxing players.
Sa kabilang dako, ipapatupad din ang full security coverage sa closing ceremony ng Palaro alas-3:00 ngayong hapon sa Davao City Sports Complec sa University of the Philippines Mintal Campus, Davao City sa pamamagitan ng joint security forces ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Dagdag pa ni Col. Tagum, walang pinag-kaiba ang level ng security coverage sa closing mamaya sa ipinatupad na opening noong nakaraang linggo at ang lahat ng mga aspeto ng event at sa paligid ng venue ay sakop ng tatlong layer ng security.