DAVAO CITY – Tuloy-tuloy ang pagdating ng mga delegasyon sa Davao City para sa Palarong Pambansa 2019.
Inaasahang bubuhos pa ang pagdating ng mga students athletes bago ang pagsisimula ng mga labanan sa iba’t ibang mga sports discipline.
Isasagawa ang opening ceremony sa Abril 28, araw ng Linggo sa Davao City UP Sports Complex sa Bago Oshero sa halip na Sabado dahil sa pagtungo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa China para sa forum.
Ayon kay Genelito Dodong Atillo, Department of Education-11 spokesperson, inilipat ang opening ceremony upang makadalo ang Pangulo na siyang magiging guest speaker.
Hindi aniya ito ang pinakaunang pagkakataon na inilipat ang opening ceremony sa Palarong Pambansa.
Nabatid na 26 playing venue ang gagamitin para sa iba’t ibang mga laro.
Una nang isinagawa ng Police Regional Office-11 sa pangunguna ni B/Gen. Marcelo Morales ang sendoff sa tinatayang 4,000 security personnel na itinalaga sa Palarong Pambansa venues.