Inanunsyo ng mga lokal na organizers na maraming mga dapat asahan ang mga delegado sa Palarong Pambansa ngayong taon nitong lungsod ng Cebu na hindi itinampok sa mga nagdaang edisyon.
Inihayag ni Cebu City Assistant Schools Division Superintendent Dr. Adolf Aguilar layon pa nito na higit pang pasiglahin ang kompetisyon na magdagdag ng kapana-panabik sa mga atleta.
Sinabi pa ni Aguilar na kung sa mga nagdaang edisyon ng Palarong Pambansa ay itinampok lamang ang mga medalya ng bawat rehiyon, ngayong taon pa umano ay magkakaroon ng tally sa bawat bayan at lungsod.
Dagdag pa nito na itatampok na rin ang mga pangalan ng mga atletang mananalo ng gintong medalya sa tabi at dapat ding parangalan ang paaralan nito.
Bibigyan din ng parangal ang top 5 divisions na makakasungkit ng maraming gintong medalya.
Maliban dito, sa unang pagkakataon din ay magkakaroon pagdeklara ng overall champion sa kada sport kaya naman asahan aniya ang maraming trophies at awards sa edisyong ito ng Palarong Pambansa.