-- Advertisements --
Pinaalalahanan ng Catholic priest ang mga katoliko na ang palaspas ay hindi lamang isang palamuti kundi isang paalala sa mga mananampalatay ng kahalagahan ng pagtanggap kay Hesukristo sa kanilang buhay.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, spokesperson ng Roman Catholic Archdiocese of Manila, na ang palaspas ay hindi lamang itinatago sa bahay bilang lucky charm or panlaban sa kasamaan.
Tanda ito aniya ng ating kahandaan at pagiging bukas na tanggapin si Jesus sa ating mga puso at tahanan.
Dagdag ng pari, dapat manatiling tapat ang lahat kay Hesus hanggang dulo.
Ginugunita ng mga Roman Catholics ngayong araw ang Palm Sunday, bilang pagsisimula ng Holy Week.
Ayon kay Father Secillano, ang Linggo ng palaspas ay tinatawag ding Passion Sunday.