-- Advertisements --
Salvador Panelo
Pres. Spokesman Salvador Panelo/ FB image

Tinawag ng Malacañang isang pangungutya at biased ang US documentary film na “On The President’s Orders”.

Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, na ang nasabing pelikula ay nagpapakita ng negatibong imahe sa kampanya laban sa iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala ito na sinasakyan lamang ng nasabing pelikula ang kasikatan ng pangulo sa buong mundo.

Muling iginiit ni Panelo na ang mga nangyayaring patayan ay hindi utos ng pangulo.