-- Advertisements --

Binawi ng Malacañang ang pagsama sa Estados Unidos sa mga bansang saklaw ng umiiral na travel restrictions bunsod ng naitalang bagong variant ng COVID-19.

Una rito, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na epektibo na raw ang travel restrictions sa US.

Pero sa isang statement, inihayag ni Roque na suportado nito ang pahayag ni Health Usec. Maria Rosario Vergiere na kasalukuyan pang nakikipag-ugnayan ang Department of Health sa World Health Organization at sa International Health Regulations Focal Point sa Amerika upang alamin ang nai-report na SARS-CoV-2 variant.

“While we await the confirmation, the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases has underscored that all inbound international travelers from countries not covered by the travel restrictions shall strictly finish the 14-day quarantine following the prescribed quarantine protocols which allow home quarantine after testing negative via RT-PCR at the point of entry,” saad ni Vergeire.

Kung maaalala, nasa 20 mga bansa na ang isinama sa mga sasakupin ng travel restrictions hanggang Enero 15.