-- Advertisements --
DOE office
IMAGE | Department of Energy, Taguig City

Handa umanong makinig ang Malacañang sa rekomendasyon ng Department of Energy (DOE) na habaan ang election holiday para matiyak ang sapat na supply ng koryente sa araw ng halalan.

Sang-ayon sa DOE, maliban sa May 13, dapat gawing holiday na rin ang May 14 para mas matiyak na walang magaganap na brown-out sa bilangan ng mga boto.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bukas ang Malacañang sa ano mang ideya, at tutugon naman ito.

Pero sa ngayon ayon kay Sec. Panelo, wala pa silang natatanggap na pormal na rekomendasyon mula sa DOE.

Sa oras na makarating raw ito sa Malacañang, pag-aaralan nila agad ito para makatugon sa lalong madaling panahon.

Magugunitang nagpapahayag ang pangamba ang ilang mga mambabatas sa posibilidad ng brown-out lalo na sa bilangan ng boto dahil maapektuhan nito ang kredibilidad ng resulta ng halalan.