-- Advertisements --

Todo depensa ang Malacañang sa ginawang pag-veto ng Pangulong Rodrigo Duterte sa tinaguriang “anti-palo” bill na nagbabawal sa pagdidisiplina sa mga bata gaya ng pamamalo.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi umano isinusulong ng Pangulong Duterte ang labis na pagpaparusa sa mga bata.

Giit ni Panelo, ang problema rin daw sa mga kumontra sa pag-veto ay hindi raw kasi nila dininig ang naging paliwanag ng presidente ukol dito.

Una rito, sa kanyang veto message, sinabi ng Pangulong Duterte na marami umanong mga bata ang lumaking sumusunod sa batas dahil sa pagdidisiplina ng kanilang mga magulang.