-- Advertisements --
Sal Panelo
Sec Salvador Panelo/ FB image

Nagpaliwanag ngayon si Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa pagsama ng ilang artista at mambabatas sa official visit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.

Sinabi ni Sec. Panelo, tanging Office of the Presidential Protocol ang makasasagot kung bahagi ng official delegation ang ilang mga kongresista sa Russia trip ni Pangulong Duterte, gayundin sa kung sila ba ang sumagot sa kanilang pamasahe at accommodation sa Moscow.

Pero sa hanay ng mga artistang nasa Russia, inihayag ni Sec. Panelo na noon pa man ay bahagi na sila ng Filipino community event ni Pangulong Duterte at nagbibigay entertainment sa mga Pinoy.

Ayon kay Sec. Panelo, hindi na ito bago dahil kahit noong panahon ng kampanya ay ginagawa na ng mga artistang taga-suporta ni Pangulong Duterte ang ganitong pagpapasaya sa mga audience ng pangulo.

Dagdag ni Sec. Panelo, walang bayad ang mga nasa showbiz na sumama sa biyaheng ito ni Pangulong Duterte.

Ilan sa mga artistang nakita sa Russia ay sina Moymoy Palaboy, Cesar Montano at Philip Salvador habang sa hanay ng mga kongresistang namataan ay sina Lourd Allan Velasco, Martin Romualdez at L-Ray Villafuerte.

“With regard to the show biz people who are here, as far as I know, when they entertain the Filipino community while waiting for the arrival of the President, they are not paid. They have been doing that during the presidential campaign. They just happen to be genuine and rabid fans of the PRRD. As far as I know these artistas came over Moscow on their own. The government did not spend for their fare and hotel accommodations,” ani Sec. Panelo.