Dumistansya ang Malacañang sa reklamong rape na kinakaharap ng matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Pastor Apollo Quiboloy.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi raw mangingialam ang Palasyo sa kaso kontra sa pinuno ng Kingdom of Jesus Christ.
“First, I don’t know about it. Second, that should be a private matter involving the pastor. We will not intrude into that private domain,” wika ni Panelo.
“The rule of law in this country always prevails regardless of who is involved,” dagdag nito.
Matatandaang inakusahan ng dating miyembro ng nasabing sekta si Quiboloy at limang iba pa ng panggagahasa sa kanya noong 2014 nang siya’y menor de edad pa lamang.
Mariin namang itinanggi ng kampo ni Quiboloy ang mga akusasyon.