-- Advertisements --
Umaasa ang Malacañang na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong mga nakalipas na araw ng mas mababa sa 2,000 mga bagong kaso.
“Well, let’s just say that it’s on a downward trend ang ating mga kaso and I hope it continues,” ani Sec. Roque.
Gayunpaman, tumanggi muna ang kalihim na sabihing napa-flatten na ng bansa ang curve sa COVID cases.
Inihayag ni Sec. Roque na sa oras na wala na talagang maitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, doon pa lamang mas magandang sabihing tuluyan nang na-flatten ng mga Pilipino ang pagkalat ng COVID-19.