-- Advertisements --

Hinamon ng Malakanyang ang mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news kaugnay sa pinost na larawan ni First Lady Liza Marcos sa kaniyang social media na maglabas ng pruweba na ang nasabing larawan ay edited.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na ang mga bumabatikos ay walang alam sa nasabing meeting.

Bwelta ni Castro na ano pa ang asahan sa mga taong walang alam kundi magpakalat ng fake news.

” Those who usually criticize are those who are not privy to any meeting. What can we expect from those who know nothing? Madaling magpretend na as if they know everything. Anyway, it is better to challenge these fake news vloggers/bloggers to show their own verified evidence that will counter that photo,” mensahe ni Castro.

Kung maalala, nag post sa kaniyang facebook page si First Lady Liza-Marcos ng larawan kung saan sinabi nito na regular meeting of the Asian Cultural Council na ginanap sa Pangarap Clubhouse sa Malacañang Park kahapon ng umaga.

Dahil dito kumalat ang larawan sa social media at sinasabing photoshopped o inedit ang larawan.

Sa kabilang dako, una ng itinanggi ng Palasyo na naharang si First Lady Liza Marcos ng mga otoridad sa Amerika.

Nagtungo kasi ang Unang Ginang Amerika para sa isang working visit kung saan dumalo ito sa Meeting of the Minds at Manila International Film Festival.