-- Advertisements --
Hindi na nagbigay pa ng komento ang Malakanyang sa naging banat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay acting Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez na hindi na sila magkokomento ukol sa naging mga banat.
Magugunitang binatikos ni Duterte ang adminstrasyon ni Pangulong Marcos dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.
Muli din binatikos ng dating pangulo si Marcos na ito ay patuloy na gumagamit umanong iligal na droga.
Isinagawa ng dating pangulo ang batikos noong ito ay dumalo sa proclamation rally ng kaniyang partidong PDP laban.