-- Advertisements --

Hinikayat ng Palasyo ang mga mangingisda na ipagpatuloy ang paglayag at mangisda sa West Philippine Sea.

Ito ay kahit umano na nagpatupad ng fishing ban ang China sa nasabing lugar.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi epektibo ang nasabing batas ng China sa labas ng kanilang bansa so dapat na ipagpatuloy ng mga lokal na mangingisda ang kanilang pagkuha ng isda sa WPS.

Nauna ng ipinoprotesta ng Department of Foriegn Affairs (DFA) ang ipinatupad ng fishing ban ng China mula Mayo 1 hanggang Agosto 16.

Tiniyak ni Roque na nakahanda ang Philippine Coast Guard na umalalay sa mga mangingisda.