-- Advertisements --
Lotto results July 19 2019
PCSO

Pinayuhan ngayon ng MalacaƱang ang lahat ng mananaya sa lotto, Small Town Lottery (STL) at iba pang gaming schemes sa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na huwag munang tumaya simula ngayong araw.

Kasunod ito ng direktiba kagabi ni Pangulong Duterte na itigil lahat ng uri ng laro o sugal sa ilalim ng PCSO dahil sa korupsyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pa masasabi kung hanggang kailan ang utos na ito ni Pangulong Duterte kaya mas mabuting huwag na munang tumaya.

Ayon kay Sec. Panelo, labis ang pagkadismaya ni Pangulong Duterte dahil ginawa ng gatasan ng mga tiwaling opisyal ng PCSO ang mga nasabing laro.

Iginiit ni Sec. Panelo na mas malaki na kasi ang ninanakaw na pera kaysa sa dapat ay kinikita ng gobyerno.

sal panelo spokesman
Presidential spokesman Sec. Salvador Panelo

“We confirm that the President ordered the immediate closure of all outlets of Lotto, STL and other gaming schemes, such as Peryahan ng Bayan, all over the country due to massive corruption. It appears that there is a grand conspiracy among the major players and enforcers of these government- sanctioned gaming activities and enterprises to cheat the government of its rightful shares, depriving therefore the masses of our people of receiving basic services needed by them,” ani Sec. Panelo sa Bombo Radyo.