Hindi kailanman sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na mali ang ginawang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa Interpol, para sa pag aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang binigyang diiin ni palace press officer at pco usec atty claire castro sa gitna ng paggiit ng kampo ng dating pangulo na panalo nila ito o puntos matapos umatras si guevarra bilang abogado ng gobyerno.
Sinabi ni castro na hindi na sila nagulat na ginagamit ito ngayon ng kampo ng dating pangulo upang suportahan ang kanilang petisyon sa korte suprema .
Naghain kasi ng petisyon sa korte suprema ang mga anak ni dating pangulong rodrigo duterte o petition for writ of habeas corpus para ibalik rito sa bansa ang dating pangulo.
Sabi ni Castro, malinaw naman ang isinasaad ng manifestation ni SolGen Guevarra, na nagsabing walang hurisdiksyon ang icc sa pilipinas, na siya rin namang matagal nang posisyon ni pangulong ferdinand marcos jr.
Gayunman, hindi kailanman aniya binanggit ni guevarra sa kaniyang manifestation na mali ang ginawang pakikipagtulungan ng gobyerno sa interpol para sa pag aresto sa dating pangulo.
Kaya malabo aniyang gamitin itong panlaban sa gobyerno.