-- Advertisements --

Ikinalugod ng Malakanyang ang pasasalamat ng ICC sa Pilipinas kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at isinuko sa ICC.

Reaksiyon ito ng Palasyo sa naging pahayag ng tagapagsalita ng International Criminal Court na si Fadi El Abdallah.

Pinasalamatan ni Abdallah ang Pilipinas sa pagpapakita ng commitment nito sa international accountability mechanism.

Dahil dito naniniwala ang Malacañang na kinikilala ng International Criminal Court ang legalidad ng naging proseso sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na ang pahayag ni Fadi El Abdallah ay nagpapatunay na ang naging pakikipagtulungan ng Pilipinas sa Interpol at ang pagpapatupad ng Republic Act 9851 ay hindi lumalabag sa anumang batas.

Kaya walang basehan ang mga alegasyon na iligal ang pag aresto sa dating Pangulo.