-- Advertisements --

Ikinalugod ng Malakanyang ang naging pasiya ng transport groups na Piston at Manibela na kanila ng tuldukan ang tigil- pasada matapos ang ginanap na pagpupulong sa Malacanang.

Pinangunahan ni PCO Secretary atty Cheloy Garafil ang pulong kasama si Undersecretary Roy Cervantes ng Office of the Executive Secretary, PISTON President Mody Florada at Manibela Transport Group Chairman Mar Valbuena.

Ayon kay Sec Garafil nagbigay Ng direktiba si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr sa DOTr at LTFRB na pag- aralan Ang mga probisyon ng Department Order No. 2017-011 o ang Omnibus Franchising Guidelines.

Gamitin ang naging extension ng deadline hanggang December 31, 2023 para sa consolidation, upang muling pag-aralan ang mga probisyon.

Ito ay upang matiyak na maisa- alang alang ang bawat aspeto sa pagpapatupad ng jeepney modernization habang nais din aniya Ng Pangulo na mapakinggan Ang mga hinaing ng mga driver at operator.

Bukod Dito ay inatasan din Ng Pangulo ang DOTr at ang LTFRB na magsagawa ng malalim at malawakang konsultasyon kaugnay sa implementasyon ng Public utility modernization program.

Nais ng Pangulo na dapat pare- parehong makabenepisyo ang mga driver, operator lalong lalo na ang mga komyuter.

Ayon kay Sec. Garafil iisa lamang ang layunin ng gobyerno at ng sektor ng pampublikong transportasyon—ang magbigay ng maayos, maginhawa, ligtas, at episyenteng serbisyo sa bawat pasahero.