Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na mag doble kayod lalo ang Marcos Jr Administrasyon para mapanatili ang tiwala at kumpiyansa ng mga investors na mamuhunan sa bansa.
Pahayag ito ni Palace Press Officer USec Claire Castro kasunod ng inilabas na resulta Ng business expectation survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Batay kasi sa survey ipinapakita dito ang mas mataas na tiwala ng MGA investors sa pagpasok ng 2nd quarter ng 2025.
Sinabi ni Castro magandang balita ito kaya mas lalong magsisikap ang pamahalaan para masustine o mas higitan pa ang business confidence sa bansa.
Layon nitong makahikayat pa ng mas maraming investors na maglagak ng negosyo sa bansa na magreresulta ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Hinikayat din ng Malacañang ang mga investors na maglagak pa ng mga investment sa bansa.