Ipinauubaya na ng Malacañang sa National Bureau of Investigation (NBI) ang plano nitong makipagtulugan sa Interpol upang pauwiin sa Pilipinas ang mga Overseas Filipino na nagkakalat ng fake news.
Sa isang ambush interview, ipinahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang suporta ng Palasyo sa paghabol at pagpapapanagot sa mga indibidwal o grupo na nagpapakalat ng maling impormasyon at maling balita.
Gayunpaman, ang planong ito ng NBI ay operational matters na, kaya’t mas mainam aniya na hindi na gumawa ng anomang anunsyo o pahayag pa ang Malacañang.
Posibleng kasi aniya na makaapekto pa ito sa isasagawang operasyon ng NBI.
Dapat lamang aniyang mapapanagot ang mga nagpapakalat ng maling impromasyon, lalo’t mahirap aniya ang sitwasyon ngayon, kaugnay sa fake news, lalo’t hindi lamang ang Pilipinas ang nakakaranas nito, bagkus ay ang buong mundo.