-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Malakanyang na hindi natutugunan ang pangangailangang medikal ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang nakakulong ito sa ICC.

Ang reaksiyon ng Palasyo ay kasunod ng naging pahayag ni Senator Bong Go na nagsabing tila hindi naibibigay ang mga gamot ng dating pangulo dahil nakita aniya sa ginanap na first appearance nito sa pre trial chamber ng ICC  na  nanghihina  ang dating pangulo. 

Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro na opinyon lamang ito ni Senator Go, ni wala nga aniya ang senador sa mismong lugar kung nasaan ngayon si dating Pangulong Duterte.

Binigyang-diin ni Castro na mismong mga doktor na ng ICC ang nagpatunay na mentally aware at mentally fit ang dating Pangulo habang mayroon din aniyang nakatalagang doktor na nagbabantay sa kalusugan nito.

Apela na lamang ni Castro,  dapat magmasid at maging matalino sa mga  ganitong klaseng pananalita para hindi  makagulo sa  isipan at damdamin ng bawat isa.