-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Malakanyang ang lumabas na ulat na nakubkob na ng China ang Sandy Cay isang maliit na isla na matatagpuan sa pagitan ng Pag-asa Island.

Inihayag ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty Claire Castro na nagsagawa ng pagbisita ang Inter Agency Maritime Operation kahapon bilang bahagi Ng routine exercise.

Ito partikular ay sa Pag- asa Cay 1 , Cay 2 at Cay 3 gayundin sa mga surrounding areas nito at lumalabas na hindi aniya totoo ang pinalutang na balitang pagkubkob ng China sa teritoryong pag- aari ng Pilipinas

Kaya ng magkausap sila ni National Security Council Deputy Director General Jonathan Malaya, sinabi ni Castro na pinasinungalingan ito ng NSC official.