-- Advertisements --
Itinanggi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi kunteto umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kaya pinatalsik si Transportation Secretary Jaime Bautista.
Ayon sa opisyal, prioridad ng pangulo ang kalusugan ng kaniyang gabinete kaya agad nitong pinagbigyan ang hiling ng kalihim.
Ipinaalam kasi ni Bautista na kailangan niya ang pagpapahinga kaya minabuting bumaba na sa puwesto.
Magugunitang inanunsiyo ng Palasyo na ipapalit kay Bautista sa darating na Pebrero 21 ay si dating Bases Conversion and Development Authority (BCDA) chief Vince Dizon.