-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Malacañang ang mga alegasyong nakikialam ang ilang miyembro ng gabinete sa speakership race sa Kamara sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mag-eendorso ng sino mang kandidato sa pagka-speaker.

Una ng inihayag ni Buhay Rep. Lito Atienza na nakatanggap raw ito ng report na hinihikayat ni Finance Sec. Sonny Dominguez at ilang kasamahan sa gabinete si Pangulong Duterte para suportahan ang term-sharing sa liderato sa Kamara.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala itong katotohanan at obligado ang mga miyembro ng gabinete na sumunod sa kumpas ni Pangulong Duterte na huwag makialam sa kalakaran sa Kamara.

Ayon kay Sec. Panelo, nagsalita na si Sec. Dominguez at naniniwala siyang hindi ito nakikialam sa pagpili ng bagong speaker.

Sa ngayon, lalo pang umiinit ang speakership race lalo pa ng ianunsyo ni Presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte na interesado na rin siya sa pagka-speaker.

“The President has maintained his position that he will not intrude into the speakership contest and reports saying that members of the Cabinet are meddling are certainly not true,” ani Sec. Panelo.