-- Advertisements --
Pinabulaanan ng MalacaƱang na itinakbo sa pagamutan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na isang pekeng balita ang kumalat na itinakbo at naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City ang pangulo.
Ayon pa kay Panelo na nasa magandang pangagatawan ang pangulo at ito ay nagtatrabaho sa Bahay Pagbabago ang opisyal na tirahan ng pangulo.
Paglilinaw nito na naging negatibo ang pangulo sa sa coronavirus noong ito ay sumailalim sa pagsusuri dalawang linggo na ang nakakalipas.
Nagbabala pa si Panelo na makakasuhan ang sinumang magpapakalat ng mga pekeng balita.