-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Malacañang na may nambu-bully sa mga anak ni Vice President Leni Robredo matapos mag-post ang mga ito sa kanilang social media accounts ng mistulang paghahanap nila kay Pangulong Rodrigo Duterte noong kasagasan ng bagyong Ulysses.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang sinasabi lamang niya ay nagkomento rin naman ang mga anak ni VP Robredo sa isyu ng #hashtagNasaanAngPangulo noong panahon ng bagyo.

Ayon kay Sec. Roque, hindi niya alam kung sino ang nambu-buly sa mga anak ng bise presidente.

Una rito ay umalma si VP Robredo sa pagsasabing may karapatan din naman ang kanyang mga anak na maghayag ng kanilang mga saloobin sa mga ipinatutupad na patakaran ng gobyerno, gaya rin ng ibang mamamayang Pilipino.