-- Advertisements --
PACQUIAO 1
Manny Pacquiao

Nagpaabot ng “good luck wish” ang MalacaƱang kay boxing world champion at Sen. Manny Pacquiao kaugnay sa nakatakda nitong laban kay Keith Thurman sa Linggo sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi biro ang makakalaban ni Pacquiao dahil bata at magaling si Thurman.

Pero ayon kay Sec. Panelo, hindi naman matatawaran ang galing ni Pacquiao loob ng ring.

Magugunitang personal na pinanood ni Pangulong Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad ang laban ni Pacquiao kay Pucas Matthysse noong July 15, 2018 sa Malaysia.

“He is fighting someone na mukhang magaling din bata pa magaling. Pero ‘yung ating boxer magaling din. We wish him the best of luck in the world,” ani Sec. Panelo.