-- Advertisements --

Pinayuhan ng Malacañang si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam na magkusang magbitiw na lamang sa pwesto at hindi na kailangang hintayin ang pagtanggal sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pahayag kasunod ng naging panawagan ni Cam kay Pangulong Duterte na sibakin siya sa pwesto dahil sa umano’y korupsyon sa PCSO.

Sinabi ni Sec. Panelo, maaari namang maghain ng resignation si Cam kung hindi nito masikmura ang sinasabing katiwalian sa ahensya.

Ayon kay Sec. Panelo, dapat ding magsampa ng pormal na reklamo si Cam sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at walang sasantuhin rito si Pangulong Duterte.

Kaya makakaasa raw si Cam na makikinig si Pangulong Duterte sa mga ilalabas na ebidensya kaugnay sa alegasyong korupsyon sa PCSO.

“We thus urge the likes of Ms. Cam to come forward and expose government sheenanigans and malfeasance if she knows any. We assure her and other whistleblowers that they have PRRD’s ears in this regard,” ani Sec. Panelo.