Pinayuhan ng Malacañang si Sen. Antonio Trillanes IV na maghanda na sa posibleng panibagong pagkakakulong paglabas nito ng Senado sa darating Hunyo 30.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, “good luck” sa outgoing senator na isinasangkot sa tangkang pagpapabagsak ng Duterte administration.
Ayon kay Sec. Panelo, hindi malayong muling makulong si Trillanes matapos bumaliktad si Peter Joemel “Bikoy” Advincula at ituro siyang nasa likod ng black propaganda laban sa administrasyon.
Inihayag ni Sec. Panelo na noon ay puring-puri ni Trillanes ang video ni Bikoy laban kina Pangulong Rodrigo Duterte, ilang miyembro ng pamilya Duterte at Senator-elect Bong Go pero nang ituro siya ng self-confessed black propagandist, bigla raw itong hugas-kamay at itinanggi ang alegayson.
“While many will wish Mr. Trillanes good riddance as he is about to leave the hallowed halls of the Senate at the end of June of this year, we will instead wish him luck as he faces another prospect of being placed behind bars again as the self-confessed black propagandist turns against his master, even as his victims look forward to seeing the Senate, or better yet the government, without the cantankerously obnoxious coup plotter,” ani Sec. Panelo.