Pormal ng inihayag ng Malacañang na ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pag-veto sa Security of Tenure Bill.
Inianunsyo ito ngayon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ang pagbawi nito kagabi sa kanyang naunang statement.
Batay sa veto message ni Panglong Duterte, sisirain ng panukalang batas ang pamumuhunan at pamamahala ng mga negosyante.
Una ng inirekomenda ni NEDA chief Ernesto Pernia na dapat i-veto ni Pangulong Duterte ang panukalang batas para maging patas sa mga employers at manggagawa.
Matindi rin ang pressure at lobby ng mga business groups laban sa panukalang batas dahil labag daw ito sa kanilang karapatan sa contract labor na bahagi ng management prerogative.
Ibinabala ng mga business groups na maaaring magresulta sa tanggalan ng mga low-skilled workers ang panukalang batas at gagamit na lang sila ng automation at artificial intelligence.