Naalarma ang Malacañang sa pagkakaaresto ng National Bureau of Investigation NBI sa dalawang Chinese at tatlong Pilipino na umano’y naniniktik sa Palasyo.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro na paiigtingin nila ang seguridad sa Malacañang at maging sa Pangulo upang mapigilan ang anumang banta.
Kung maalala, naaresto ng NBI ang dalawang Chinese at tatlong Pinoy dahil sa paglabag sa Espionage Act.
Batay sa naging pahayag ng mga suspek, inutusan lamang sila ng isang Chinese national na nakilalang si Ni Qinhui upang manmanan ang Villamor Airbase, Camp Aguinaldo, Malacañang, Camp Crame, at maging ang U.S. Embassy, kapalit ng bayad na P2,500 hanggang P3,000 kada araw.
Sa nasabing operasyon, narekober din ng NBI ang mga kagamitang ginagamit sa pang i-espiya, kabilang ang mga sasakyang may nakakabit na unauthorized International Mobile Subscriber Identity IMSI catchers.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may naaresto ang mga otoridad na pinaghihinalaang mga Chinese spies.
” Yes, of course, nakakaalarma po talaga iyang balita na iyan, at pagpupursigihin pa po natin at paiigtingin po natin ang ating puwersa para po masugpo ang mga sinasabi at napagbibintangang spies. At kailangan po talaga na mas maigting ang seguridad ng ating Palasyo at, of course, ng Pangulo,”pahayag ni Usec. Castro.