-- Advertisements --
Naghamon din si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Malacanang na maari naman itong maghain ng reklamo sa korte kung sa tingin ay sumusobra na ang Senado sa pag-iimbestiga.
Ginawa ni Drilon ang reaksiyon kasunod na rin ng mga batikos ng Pangulong Rodrigo Duterte na lumalagpas na raw sa kapangyarihan ang Senate blue ribbon committee sa pag-iimbestiga sa kompaniyang Pharmally Pharmacuetical Corp.
Hindi rin nagugustuhan ang pagpapatawag ng Senado sa mga cabinet members na nasasayang lamang daw ang oras.
Sagot naman ni Drilon ang hinahanap daw nila sa imbestigasyon ay ang katotohanan dahil pera ng bayan ang sangkot sa isyu sa overpricing umano sa pagbili ng ilang medical supplies na binili ng DOH.