-- Advertisements --

Magkakaroon ng sariling imbestigasyon ang Malacañang kaugnay sa napabalitang missile test ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailangang malaman kung ano ang katotohanan sa lumabas na report at mula dito ay makagawa ng kaukulang hakbang ang gobyerno ng Pilipinas.

Ayon kay Sec. Panelo, hindi muna sila maglalabas ng anumang komento o reaksyon sa isyu ng missile test hanggang hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

Magugunitang naglabas ng pagkondena ang Pentagon kaugnay sa umano’y missile test ng China.

Batay sa report ng US, nangyari ang testing ng “multiple anti-ship ballistic missiles” sa bahagi ng West Philippine Sea nitong weekend.