-- Advertisements --
Nilinaw ni presidential spokesperson Salvador Panelo na ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng masibak si Vice President Leni Robredo bilang drug czar sakaling maisawalat niya ang mga sensitibong impormasyon tungkol sa droga.
Ayon kay Panelo na karapatan pa rin ng pangulo ang pagtanggal kay Robredo bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) dahil siya ang nagtalaga sa puwesto.
Dagdag pa nito na dapat alam nito ang limitasyon sa pagkakatalaga nito sa puwesto.
Magugunitang nais ng pangalawang pangulo na makakuha ng mga impormasyon sa kampanya ng gobyerno sa iligal na droga kung saan nais din nitong makipagpulong sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) at ang US Embassy officials.