-- Advertisements --
Minaliit lamang ng Malacañang ang pagkakapili sa foreign documentary na nagpapakita ng kampanya ng bansa sa iligal na droga bilang isa sa shortlisted entries sa 92nd Academy Awards.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hahayaan na lamang nila ang Academy of Motion Picture Arts and Sciences na piliin ang anumang nakasaad sa Academy Awards.
Dagdag pa nito, ibinase raw ang pagpili sa isang criteria at hindi sa katotohanan.
Inihalimbawa pa ni Panelo kung paano gumawa ng pelikula ang mga film producers na base sa fictions o kathang isip at hindi sa katotohanan.
Nauna rito napili ang “The Nightcrawlers” documentary ng National Geographic na siyang pasok sa Documentary Short Subject category ng Oscars’.