Iniaabot ngayon ng Malacañang ang kanilang kamay sa oposisyon matapos ang midterm elections.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ngayong tapos na ang eleksyon, panahon nang magkaisa ang administrasyon at oposisyon.
Ayon kay Sec. Panelo, gusto nilang ialok ang kanilang pakikipagkaibigan sa oposisyon para magkasundo at magtulungan nang itayo ang isang mas magandang Pilipinas.
Nagsalita na umano ang mayorya ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagluklok nila sa pwesto sa nakararaming kandidato ng administrasyon na tutulong sa pagsusulong ang mga kapakipakinabang na polisiya at batas para sa kapakanan ng nakararami.
Pero nilinaw naman ni Sec. Panelo na hindi nila pipigilan kung meron mang pagtutol na ihahayag ang oposisyon dahil karapatan nila ito.