-- Advertisements --
Nagpaabot nang pakikiramay ang Malacañang sa naganap na magkakasunod na pambobomba sa bansang Sri Lanka.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, may magandang ugnayan ang bansa at Sri Lanka kaya lubhang nakakabahala ang nasabing insidente.
Kinondina rin nito ang naganap na terorismo na itinaon pa sa Easter Sunday na para sana sa pagdarasal at pagdiriwang ng mga Kristiyano.
Tinitiyak din nito ang pakikipagtulungan sa ibang bansa sa Asya para sa paglaban sa mga maling gawain.
Magugunitang aabot sa mahigit 200 katao ang patay sa serye ng pagsabog na ang pinuntirya ay simbahan at mga hotels.
Mahigit din sa 400 ang mga sugatan.
Sa ngayon wala namang mga Pinoy na nadamay sa naturang karahasan.