-- Advertisements --

Ikinalungkot ng Palasyo ang biglaang pagpanaw ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla, Jr. sa edad na 60-anyos.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaanak, kaibigan at sa mga kasamahan sa trabaho ni Governor Espenilla.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, lubos ang pasasalamat ng pangulo dahil sa dedikasyon nito sa trabaho.

” We express our gratitude to the man once in charge of disciplining banks for his complete devoyion to his work and great service to the nation,” mensahe ni Panelo.

Inalala naman ni Panelo ang mga naging dating pwesto na hawak ni Espenilla bago siya naging BSP Governor.

Taong 2017 ng i-appoint ni Pang. Duterte si Espenilla matapos ang mahigit 40 taon sa institusyon bilang debt analysis nuong 1982.

Si Espenilla o mas kilala sa pangalang Nesting sa mga kasamahan niya sa BSP inaappoint bilang Deputy Governor nuong 2005.

Graduate ng magna cum laude sa UP si  Espenilla na siyang naging daan para mapalapit sa mga Filipinos ang financial service.

Si Espenilla ang nag pioneer ng National Retail Payment System at ipinakilala ang Instapay, electronic fund transfer system, PESONet kung saan dito na nagsimula ang pag kambiyo mula sa cash and check-based payments ngayon ay sa pamamagitan na ng electronic means.