-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay ang MalacaƱang sa pumanaw na auditor ng Commission on Audit (COA).

Si Atty. Jake Cimafranca ay pumanaw matapos atakihin sa puso.

Sinabi ni dating COA Commissioner Heidi Mendoza na maaring dahil sa kaniyang trabaho kaya inatake ito sa puso.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na bilang Pilipino ay nakikidalamhati ito sa pagpanaw ni Cimafranca.

Inatake si Cimafranca noong Agosto 4 at inilbas aniya ang COA report tungkol sa DOH noong Agosto 16.

Magugunitang kinukuwestiyon sa COA ang P67.3 biliyon na pondo para sa COVID-19 response ng gobyerno.