Mahigpit na nagpaalala ngayon ang Malacañang sa mga botante na makiisa sa isang tapat at malinis na halalan sa darating na Mayo 13, araw ng Lunes.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailangang maitigil na ang nakagawian ng ilang kandidato na pagbili ng boto.
Pero ayon kay Sec. Panelo, ang problema ay mayroong mga botanteng nagbebenta ng boto dahil sa kahirapan at at kulang pa sa edukasyon.
Inihayag ni Sec. Panelo na ito ang dahilan kung bakit nagiging bukas sila sa intimidasyon, mga pagbabanta, vote-buying at pagboto sa mga hindi naman deserving.
Iginiit ni Sec. Panelo na kung may sapat na kaaalaman lamang ang lahat, iba ang magiging standards sa pagboto kung saan ang ihahalal lamang ng mga botante ay mga kandidatong kasing galing o mas magaling pa sa kanila.