Ipinaliwanag ng MalacaƱang kung bakit inalis ng Inter-agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang requirement ng pagkakaroon ng isolation area sa mga air carriers ng mga domestic flights.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil mas marami ng impormasyon ang available sa kasalukuyan kung paano naisasalin ang COVID-19 sa closed area.
Ayon kay Sec. Roque, nariyan na rin ang mas pinagigting na health protocols mula sa boarding ng mga pasahero hanggang sa pag-landing ng mga ito at katuwang ang paggamit ang High Efficiency Particulate Air (HEPA) filters.
Iginiit din ni Sec. Roque na ang mga domestic flights ay mayroon lamang maikling oras na pagbiyahe.
Batay na rin umano sa impormasyon mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang pag-aalis ng isolation area requirement sa mga domestic flights ay hindi naman lalabag sa anumang guidelines at protocols ng World Health Organization (WHO) at International Civil Aviation Organization (ICAO).
Maliban dito, pinag-usapan naman umano ito ng Department of Transportation (DOTr), CAAP at Department of Health (DOH) bago ito inirekomenda.